May 12

Sweet Anniversary Quotes, Greetings & Messages Tagalog

Malapit naba ang anniversary nyo ni boyfriend/girlfriend o ni misis/mister? Pakililigin si mahal sa mga romantic anniversary quotes na to na pwede mong gamitin sa happy anniversary greetings mo 🙂 pwede mo itong ipost sa facebook, isulat sa greetings card, o sabihin sa kanya ng personal 🙂

Ikaw ang nagbigay kulay sa aking mundo,
Walang hanggang ang kaligayahan pag ikaw ang kasama ko,
Mahal na mahal kita.
Maligayang Anibersaryo.

Sa lahat ng pang-unawa, pagmamahal at suporta
Na walang saw among ibinibigay sa akin,
Nagpapaalala kung gaano ako naging mapalad
Ng hinayaan ng Diyos na ikaw mapasaakin.
Ikaw lang, wala ng iba pa.
Happy Anniversary!

Hindi man ikaw ang aking KAHAPON,
Subalit ikaw ang aking NGAYON,
At gusto kitang makasama BUKAS at HABANG PANAHON.
Happy Anniversary

Naaalala ko pa, nung una tayong magkita,
Di ko akalain na tatagal tayo ng ganito,
Sadya nga talagang tayo para sa isa’t isa.
Sana ay manatili tayong Masaya at maligaya.
Mahal kita!

Ikaw ang lahat sa akin,
Palagay ko, wala na akong ibang hahanapin.
Sa buhay ko, ikaw na lang ang iibigin,
Walang sawang magmamahal hanggang libing,
Maligayang Anibersayo sayo, mahal ko.

 

English Anniversary Messages:

An anniversary is a time to celebrate the joys of today, the memories of yesterday, and the hopes of tomorrow.

The secret to having a good married life is to understand that marriage must be total, it must be permanent and it must be equal.

On this our anniversary, we may not have wealth, but we do have each other and that is worth more than anything in the world.

A marriage anniversary is the celebration of love, trust, partnership, tolerance and tenacity. The order varies for any given year.

Here also are tagalog monthsary messages for Him

Kahit na laging nagsusungit
Kahit gaano ka pa ka-kulit
Sayo lang ako iibig ng paulit ulit
Happy Monthsary!

Ang bait talaga sa akin ni God.
Ikaw na ang magkaroon ng boyfriend na sweet at mabait
I’m so lucky. I love you, baby!
Happy Monthsary!

Lagi kitang naiisip
Lagi kang nasa panaginip
Sobrang namimiss na kita
Happy Monthsary!

 

Tagalog Monthsary Messages for Her

Isa ka sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko,
At gagawin ko ang lahat para ingatan ka.
Sana ay tumagal pa tayo.
Happy Monthsary!

Isa sa pinakapaboritong date ko,
Ay ang araw na sinagot mo ako ng OO.
Happy Monthsary, babe!

Kahit topakin ka, Kahit selosa ka, kahit masungit ka.
Gugustuhin ko pa ring magcelebrate ng another monthsary kasama ka.
Happy Monthsary!

Ayoko maging corny
Ayoko maging baduy
Pero ok lang maging corny at baduy paminsan minsan,
Basta para sa ikakasiya ng aking minamahal.
I love you, babe
Happy monthsary!

Share



Posted May 12, 2016 by admin in category "Love", "Quotes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *