December 24

Pinoy Valentines Day Quotes & Sayings Tagalog

Here’s a collection of new romantic Pinoy valentines day quotes and sayings you can use for your girlfriend or boyfriend. If you’re looking for something to post this valentines day on your Facebook, twitter, or to send as text message to your love one.

Para ito sa mga naghahanap ng sweet quotes para pakiligin si gf o bf, o ang iyong nililigawan sa araw ng mga puso.

  • Kahit saktan mo ang taong nagmamahal sayo,
    Kahit ilang ulit mo syang itulak palayo,
    Patuloy ka niyang mamahalin dahil kahit
    nasasaktan sya alam nya sayo lang siya liligaya.
  • Minsan gusto ko ng makalimot kaso takot ako,
    Di ko na alam paano maging masaya ng hindi nasasaktan,
    palagay mo magawa ko kaya ang iwan ang isang taong ayoko na pero mahal ko pa?
  • Kung mahal mo raw, ipaglaban mo. Totoo ba yun? Paano kung hindi ka niya mahal? Anong ipaglalaban mo? Isang pag-ibig na ikaw lang ang nakakadama? Mahirap ata yun ah! Kaya mo ba? Pero kapag mahal mo talaga, kakayanin mo diba?
  • Sabi nila, ang tanga ko daw kasi hinihintay pa rin kita. Kasi ok lang sa akin kahit nandiyan sha. Kasi wala naman akong magagawa para malaman mo na mahal kita. Paano kapag naging tayo? E di masaya, isang manhid at isang tanga.
  • Sabi nila kapag ang adik nahuli, siguradong makukulong.
    Eh panu kung mahuli mo ko na adik sayo?
    Magagawa mo kaya akong ikulong sa puso mo?
  • Nang tanungin kita, kung bakit ka masaya?
    Sagot mo, kaso kasama ako ang mahala ko…
    Nung ako tinanung mo, bakit ikaw parang malungkot?…
    Sagot ko, kasi kasama ng mahal ang taong mahal ko
  • Mahalaga din pala na di tayo nagkikita at di nag-uusap,
    at least nagkakaron ng gamit at kahulugan ang salitang
    “Uy, miss na kita!” Grabe!, Sobra!
  • Kapag iniiwasan ko ba ang tingin mo,
    Hindi na agad kita gusto?
    Hindi ba puwedeng kinikilig muna ako
    kaya hindi ako makatingin ng diretso?
  • If you feel so sad, lean on my shoulder.
    If you want to cry, eto panyo.
    Pero pag di mo kinaya, yakap lang kita.
    Para feel mo hindi ka nagiisa,
    nandito lang me lagi just for you!
  • Sa relasyon, hindi dapat naggagantihan,
    kung napatawad mo na, wag mo nang isumbat pa..
    Dahil para mo na rin siyang niloko
    nang sinabi mong pinatawad mo na siya.
  • Wag mo nang itanong kung ano ang gusto ko…Baka kasi madulas ako at IKAW ang masabi ko.
  • Bakit mas magiliw ang mga tao tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso?
    Hindi ba’t dapat araw-araw ay maging magiliw
    at malambing tayo sa ating mga mahal sa buhay?
    Maligayang Araw ng mga Puso!
  • Ngayong Araw ni Kupido,
    sana makita mo na rin ang taong kabiyak ng iyong puso.
  • Gawin nating mas makahulugan ang araw na ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa ating mga puso. Ang pusong tunay na nagmamahal ay marunong magpatawad at hindi makasarili. Maligayang Araw ng mga Puso sa iyo!
  • Huwag ka sana magsawa sa pagmamahal sa akin.
    Hindi ako perpekto, subalit pinipilit kong maging mas marapat sa iyong pagmamahal.
    Maligayang Araw ng mga Puso sa iyo!
  • Bawat sandali sa piling mo ay espesyal.
    Tila ba araw-araw ay Araw ng mga Puso para sa atin.
    Salamat sa pagpapasaya mo sa akin.
    Mahal na mahal kita!
  • Mahal kita bilang aking katipan.
    Pag-aari mo ang puso ko ngayon at hanggang wakas.
    Maligayang Araw ng mga Puso!
  • Hawak mo ang kalahati ng aking puso.
    Huwag kang lalayo sapagkat ako ay di na muling mabubuo
    kapag ikaw ay nawala sa piling ko. Mahal kita!
  • Asintado si Kupido.
    Sapul na sapul niya ang puso ko kaya ako ngayon ay baliw sa pagmamahal sa iyo!
  • Puso ko?
    Ang pinaka-kinaiinisan ko sa lahat. Paano kasi, akin naman ‘to pero tumitibok para sayo.
  • kumatok ka sa puso ko, pinatuloy kita. pero kinuha mo ang susi nito at umalis ka na lang bigla. tanong ko lang, “Babalik ka pa ba?”, di na kasi mabuksan ng iba…
  • Pinilit kong maging bakal ang puso ko. Hindi ko alam, gawa pala sa magnet ‘yang sa’yo..
  • Sumalangit nawa ang PUSO kong patay na patay sa’yo.
    Maligayang araw ng mga PUSO. 🙂
  • minsan trip kitang inisin asarin pikunin.. tapos ako tatawa lng ng malakas. sus! wag ka ngang mag-inarte dyan paraan ko lang yun pra masabi kong.. ang saya-saya ko kasi andyan ka…
  • Naimbento ang araw na ito para sa mga taong nagmamahalan. Ito ang araw na nagpapaalala sa atin na dapat nating mahalin ang mga taong mahal natin ng higit pa nung una natin silang minahal.
  • Dumating sa punto na sobrang inis na ako sa’yo. Dumating sa punto na parang gusto ko nang gumive-up. Dumating sa punto na hindi tumigil ang pag-iyak ko dahil sa’yo. Pero kahit ilang beses pa akong masaktan. Sa huli naiisip ko pa ring, “Ano bang magagawa ko? Mahal na mahal ko sya eh.”
  • Tumingin ako sa langit, nakita kita. Binuksan ko ang radyo, narinig kita. Naghanap ako ng matatambayan, nakasama kita. Nanood ako ng TV, ikaw ang bida. Baliw na ba ko? O miss lang kita?

Happy hearts day!!!

Share



Posted December 24, 2015 by admin in category "Uncategorized

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *