December 24

Banat at Patama para sa mga Manloloko at Babaero

Sa mga gustong magparinig or magpatama sa mga kilala nilang manloloko o babaero. pwede mong ishare ang mga to sa Facebook o Twitter.

At para din ito sa mga bitter na babae jan. o sa mga niloko ng mga boyfriend o ex nila 😀

 

  • Ang karelasyon, ginagalang at pinahahalagahan.
    Hindi ‘yung binibilang at pineperahan.

 

  • Ang babae parang Barbie. Pwede mong paglaruan at pagsawa ka na pwede mo ng itapon. Pero tandaan nyo, ang tunay na lalaki, di naglalaro ng Barbie.

 

  • Ang tunay na lalake nagbabago para sa babae, hindi yong pabago bago ng babae.

 

  • Wag mong iyakan ang lalakeng nangiwan sa’yo.
    Hindi pa sila patay, wag kang excited.

 

 

  • Ang tunay na lalaki ay marunong maghintay hindi yung habang naghihintay ay suma-sideline.

 

  • Ang lalaki, parang bluetooth. Kapag nasa tabi ka nila, they stay connected.
    Pero kapag wala ka, they search for new devices.

 

  • Ginawa ang cellphone para magsilbing KOMUNIKASYON.
    Hindi para magbigay-daan upang MANULOT ng isang RELASYON.

 

  • Hindi ko hiniling na dumating ‘yung matalinong tao sa buhay ko.
    Ang tanging gusto ko lang ay ‘yung taong BOBO pagdating sa panloloko.

 

  • Magagawa mo lang pahabain ang isang RELASYON
    kung hindi ka na magbabalak magkaroon ng IBA pang KARELASYON.

 

  • Hindi lahat ng RELATIONSHIP totoo.
    Yung iba, relationTRIP lang.

 

  • Wag kang mangako kung di mo kayang PANINDIGAN.
    Mas mabuti ng sabihin na SUSUBUKAN kaysa magpaasa ng LUBUSAN.

 

  • Aanhin mo ang malaking KAMA.
    Kung ang asawa, nasa IBA.

 

  • Ang taong nagmamahal ay nagbabago para sa ikabubuti ng relasyon.
    Hindi yung pabago-bago ng ka-relasyon.

 

  • Wag kang umasa ng isang matatag na RELASYON.
    Kung TIKIMAN lang ang inyong INTENSYON.

 

  • Hindi naman lahat ng manloloko, dapat makarma. Siguro ‘yung iba, dapat matigok na.
Share



Posted December 24, 2015 by admin in category "Banat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *